Gaano ka-halaga ang mga katagang
“You are special to me”
“You mean so much to me” and
“I will always be here for you”?

Hindi pala dapat basta-basta na lang nagbibitaw ng mga katagang ‘yan.
Mabigat ang ibig sabihin niyan.
May malalim na kahulugan.
At para sa mga nakakarinig, maaaring makapagpasaya at makapanakit
ang mga katagang iyan.

Magbibitaw ka lang dapat niyan
Kung kaya mong panindigan.
‘Un ang tinatawag nating commitment.
Hindi lang siya para sa mag-boyfriend
at mag-asawa.
Sa kahit anumang relasyon,
kahit sa kaibigan at lalung-lalo na
sa pamilya.

Mas maganda nga siguro
Kung hindi mo na lang sabihin, ‘di ba?
Dahil kung nagagawa mo ‘yan
Kahit hindi mo pa bigkasin,
Kahit implied lang kumbaga
Malalaman at malalaman ng taong
“special” sa iyo ‘yan..

Gayunpaman, hindi sana maging excuse sa’tin
ang pagiging tahimik na lang.
Na dahil hindi na tayo nakapagbitaw ng mga ganitong kataga,
hindi na tayo kikilos at susubok
para maiparamdam sa iba na special sila sa atin.

sabi ng isip ko:
pero, kailangan ba talaga ‘un?
na maiparamdam sa kanila ‘un?
kung mahal nila tayo
tatanggapin nila tayo sa gitna ng mga pagkukulang natin, ‘di ba?
hindi na nila hahanapin pa un…

sagot ng isip ko naman: (schizo me)
actually, gagawin mo un
hindi dahil ini-expect nila
pero outflow na lang un
kung sincere ka
lalabas at lalabas un
without effort..
hehe. :))

magkagayunman,,
kung ako naman ang mapagsabihan ‘nun
hindi rin dapat ako mag-e-expect, ok?
hindi nga dapat mag-a-assume..

if they will treat me nicely
i’ll appreciate it
and i’ll be thankful of it

and if i treat someone nicely
i shouldn’t expect that the favor be returned to me
because i’m doing it to give
not to receive
to bless
and to be a blessing..

…(just a thought)…

About Obra Maestra

aspiring writer.. i have no knowledge about writing but i am a learner.

Leave a comment